41st Regular Session, Tinalakay ang mga Mahahalagang Usaping Pambayan

Isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang ika-41 Pangkaraniwang Pagpupulong sa pangunguna ni Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang mga kagawad at kawani ng Sanggunian.
Tinalakay sa pagpupulong ang iba't ibang mahahalagang usapin at panukalang nangangailangan ng masusing pagsusuri, deliberasyon at kaukulang aksyon para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng mga mamamayan ng San Rafael.
Kasabay ng pagpupulong ay ipinagdiwang din ang kaarawan ni Konsehal Nonong Sta. Maria, na binigyan ng pagbati ng kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Bayan.







Comments