33rd Regular Session ng SB San Rafael, Pinagtibay ang mga Supplemental Budget

Pinangunahan ni Vice Mayor Edison M. Veneracion ang ika-33 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael, kasama ang mga kagawad at kawani ng Sanggunian.
Sa ikatlo at huling pagbasa, pinagtibay ang ilang kapasiyahan kaugnay ng mga Supplemental Budget at paglilipat ng pondo ng mga barangay.
Kabilang dito ang Supplemental Budget Blg. 01 ng Barangay Diliman II na nagkakahalaga ng P185,347.02, Barangay Maasim na P777,139.80, Sangguniang Kabataan ng Tukod na P250,660.90, at Barangay Sapang Pahalang na P33,794.97.

Pinagtibay rin ang paglilipat ng pondong P275,514.80 ng Barangay Sapang Pahalang para sa mga proyekto at programa kabilang ang konstruksyon ng comfort room,
covered court at health center, water system, at training at seminar.
Samantala, inaprubahan din ang Supplemental Budget Blg. 01 ng Barangay San Roque na may kabuuang halagang P2,059,397.10.
Ang mga kapasiyahan ay isinulong nina Kgg. Gerardo C. Torres, Kgg. Edlin M. Indon, Kgg. Marciano DG. Sta. Maria, Jr., at Kgg. Reynaldo V. Pile, Jr. bilang mga sponsor ng kaukulang panukala.






Comments