top of page

28th Regular Session: Mga Bagong Panukala para sa San Rafael, Tinalakay


Upang patuloy na isulong ang mga batas at programang makatutulong sa pag-unlad ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang ika-28 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael.


Ang regular na sesyon ay pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Bayan at Presiding Officer, Kgg. Edison M. Veneracion, katuwang ang mga masisipag na Kagawad ng Sangguniang Bayan at mga kawani ng Sanggunian.


Sa nasabing pagpupulong, masusing tinalakay ng lokal na lehislatura ang iba't ibang mahahalagang usapin, resolusyon, at mga panukalang batas. Ang mga ito ay naglalayong higit pang mapabuti ang mga pampublikong programa, ihatid ang mas maayos na serbisyo, at protektahan ang pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayang San Rafaeleño.



Ayon kay Vice Mayor Veneracion, na mas kilala bilang "Kuya Edison," ang bawat ordinansa at pag-aaral na ginagawa sa loob ng session hall ay patunay ng nagkakaisang layunin ng ehekutibo at lehislatibo na ibigay ang tapat at mabilis na tugon sa pangangailangan ng bawat barangay.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page