25 Mangingisda sa San Rafael, Tumanggap ng Motorized Boat at Fishing Supplies mula sa DOLE at LGU
- SB San Rafael

- Aug 17
- 1 min read

Sa layuning mapalakas ang sektor ng pangingisda at maipagkaloob ang mas matatag na pinagkukunan ng kita, matagumpay na ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang mga Motorized Boat with Fishing Supplies para sa 25 benepisyaryong mangingisda sa bayan.
Ang naturang livelihood project ay naisakatuparan sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), sa masipag na pakikipagtuwang ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Reela I. Tuazon, PESO Officer.

Sa pamamagitan ng ipinagkaloob na mga bangkang may makina at kagamitan sa pangingisda, inaasahang mas mapapadali at mas mapapalago ng mga mangingisda ang kanilang pang-araw-araw na pangkabuhayan.
Taus-puso ring nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa patuloy nitong suporta at pakikipag-ugnayan upang maihatid ang mga kapaki-pakinabang na programa sa mga mamamayan.
Ang patuloy na pagtataguyod sa mga programang pangkabuhayan ay buong pusong pinangungunahan ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng bawat pamilyang San Rafaeleño.





Comments