top of page

21 BARIL, NAITALA NG SAN RAFAEL POLICE SA LOOB NG DALAWANG LINGGO

Oct 22
1 min read

Nakapagtala ng kabuuang 21 baril ang San Rafael Municipal Police Station sa loob lamang ng dalawang linggo sa pamamagitan ng kampanyang ADFER (Arms Deposit for Firearm Registration), kung saan ang mga ito ay idineposito, kusang isinuko o nakumpiska.


Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng San Rafael MPS laban sa mga loose firearms o mga baril na walang kaukulang dokumento at rehistro.


Ayon sa kapulisan, ipinakikita ng naturang resulta ang patuloy nilang pagsisikap na maiwasan ang mga krimeng may kaugnayan sa paggamit ng baril, maisulong ang responsableng pagmamay-ari ng armas at mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa komunidad.


Patuloy namang binibigyang-halaga ng San Rafael Police ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa bayan.

Comments


bottom of page