2027 Budget ng San Rafael, Sinuri sa Dalawang Araw na Hearing

Isinagawa ngayong Oktubre 7 at 8, 2026 sa Royce Hotel Clark, Pampanga ang dalawang araw na Budget Hearing para sa Taong 2027 ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.
Pinangunahan ang pagpupulong ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr., kasama sina Vice Mayor Edison M. Veneracion at Committee on Finance Chairman Konsehal Edlin M. Indon, gayundin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga department heads, chief of offices at ilang kawani ng lokal na pamahalaan.

Nakibahagi rin sina San Rafael Chief of Police PLTCOL Lawrence Gerald Bathan at Municipal Fire Marshal FSINSP Jun Michael Manuel bilang bahagi ng koordinasyon sa pagpaplano ng mga programa at serbisyong may kaugnayan sa kaligtasan ng komunidad
Tinalakay at sinuri sa Budget Hearing ang mga panukalang pondo, programa, proyekto at pangunahing pangangailangan ng bawat tanggapan para sa 2027. Layunin nito na matiyak ang maayos na pagpaplano at wastong paggamit ng pondo ng bayan para sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga San Rafaeleño.
Bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na maisulong ang maayos at responsableng pamamahala at ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa komunidad.







Comments