top of page

₱200,000 Pondo sa Bawat Barangay ng San Rafael, Naipamahagi na sa Ilalim ng 'Bawat Barangay Makikinabang Program 2026'


Upang higit na mapalakas ang mga serbisyong pampubliko sa antas ng barangay, matagumpay na naipamahagi ang halagang ₱200,000.00 sa bawat barangay sa buong Bayan ng San Rafael bilang bahagi ng Bawat Barangay Makikinabang Program 2026.


Isinagawa ang pamamahagi ng pondo upang maghatid ng direktang suporta sa mga lokal na komunidad at tiyaking mabilis na maipapaabot ang mga pangunahing serbisyo at programang kapaki-pakinabang para sa bawat mamamayan.



Alinsunod sa itinakdang pamantayan ng Opisina ng Pangulo, ang kalahati ng pondo o halagang ₱100,000.00 ay inilaan para sa Educational Assistance Program. Sa ilalim nito, limang (5) natatanging mag-aaral mula sa bawat barangay ang pipiliin upang makatanggap ng tig-₱20,000.00 na tulong-pinansyal na magagamit sa kanilang matrikula, kagamitan sa pag-aaral, at iba pang gastusing pang-edukasyon.


Samantala, ang natitirang ₱100,000.00 naman ay nakalaan sa iba pang mga prayoridad na programa at proyektong ipatutupad ng mga opisyal ng bawat barangay batay sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.


Ang makabuluhang inisyatibong ito ay buong pusong sinusportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang patuloy na mailapit ang mga programang nagtataguyod sa edukasyon ng kabataan at pangkalahatang pag-unlad ng pamayanan.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page