15th Regular Session ng Sangguniang Bayan, Matagumpay na Naisagawa
- SB San Rafael

- Apr 16
- 1 min read

Patuloy ang dedikasyon ng ating Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pagpapaunlad ng ating bayan matapos isagawa ang kanilang ika-15 Pangkaraniwang Pagpupulong noong ika-13 ng Abril, 2026.
Ang sesyon ay pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion. Katuwang niya sa nasabing pagpupulong ang mga masisipag na Kagawad ng Sangguniang Bayan at ang mga dedikadong kawani ng munisipyo. Ang pagtitipon ay naglalayong masinsinang talakayin ang mga mahahalagang usapin, ordinansa, at resolusyon na direktang magbibigay ng solusyon at serbisyo para sa ating mga kababayang San Rafaeleño.

Sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Edison, binibigyang-diin ang kahalagahan ng mabilis ngunit maingat na proseso sa pagpasa ng mga batas-bayan. Ang bawat agenda na tinalakay sa pagpupulong na ito ay bahagi ng adhikain ng ating lokal na pamahalaan na tiyakin ang maayos na sistema at disiplinadong serbisyo para sa lahat ng sektor ng lipunan.





Comments