13th Regular Session: Sangguniang Bayan, Nagpatibay ng mga Mahahalagang Resolusyon at Budget
- SB San Rafael

- Apr 6
- 1 min read

Matagumpay na idinaos ang Ika-13 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion at ng mga kagalang-galang na miyembro ng konseho.
Sa ilalim ng Dagliang Talakayin, isa sa pinakamahalagang hakbang na inaprubahan ay ang resolusyong nagbibigay-pahintulot kay Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang DSWD Field Office 3 – Central Luzon. Ang kasunduang ito ay para sa implementasyon ng AICS Program at ang pagtatatag ng isang Satellite Office sa ating munisipyo upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong pinansyal at medikal sa mga San Rafaeleño.
Samantala, sumailalim at nagkamit ng positibong resulta sa Ikatlo at Huling Pagbasa ang mga sumusunod:
Akreditasyon ng mga Organisasyon at Samahan:
Alta Vida Homeowners Association, Inc. mula sa Brgy. San Roque.
Cruz na Daan – San Agustin Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).
Imprastraktura at Negosyo:
Pagpapatibay sa Sangguniang Bayan Clearance para sa konstruksyon ng Marina Private Resort na may sukat na 900 sq. meters sa Barangay Pinac-pinacan.
Pondo para sa Kabataan (SK Annual Budget 2026): Pormal ding pinagtibay ang taunang budget ng apat na Sangguniang Kabataan upang matiyak ang tuloy-tuloy na programa para sa mga kabataan:
SK Tukod: ₱604,991.30
SK Tambubong: ₱1,356,016.50
SK Sampaloc: ₱1,069,000.00
SK Maguinao: ₱928,843.90
Ayon kay Vice Mayor Edison, ang mga inaprubahang resolusyon at budget ay patunay ng dedikasyon ng Pamahalaang Bayan na siguruhing bawat sektor—mula sa transportasyon, homeowners, negosyo, hanggang sa kabataan—ay nabibigyan ng sapat na suporta at legal na basehan para sa kanilang mga adhikain.





Comments