₱100,000 Cash Assistance, Ipinagkaloob sa 100-Taong Gulang na Centenarian sa San Rafael
- SB San Rafael

- Aug 17
- 1 min read

Isang makabuluhang Lunes ang muling ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael matapos nitong pangunahan ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat kasabay ng pagkakaloob ng Cash Assistance sa isang 100-taong gulang na centenarian ngayong Agosto 17, 2026.
Pormal na ibinigay ang naturang financial assistance kay Nanay Cerelina Lanzarote, na nagmula sa Barangay Ulingao, bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanyang mahalagang kontribusyon at pag-abot sa natatanging edad na isang daang taon.
Ang buong palatuntunan ay matagumpay na pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni G. Erl Veneracion at ng Municipal Tourism Office sa ilalim ng pamumuno ni G. Benedict De Leon.
Bukod sa pagbibigay-pugay sa watawat ng Pilipinas at pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, naging pagkakataon din ang pagtitipon upang muling bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit para sa patuloy na pag-unlad ng San Rafael.
Ang pagpaparangal na ito sa mga nakatatandang mamamayan ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang ipakita ang patuloy na kalinga sa bawat pamilyang San Rafaeleño.





Comments