Undas 2026, Panahon ng Pag-alala at Pagbibigay-Pugay sa mga Yumao

Nagpaabot ng mensahe ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa mga mamamayan sa paggunita ng Undas 2026, na nagbibigay-diin sa pag-alala at pagbibigay-pugay sa mga yumaong mahal sa buhay.
Hinimok ng lokal na pamahalaan ang publiko na gamitin ang pagkakataong ito sa pananalangin, pagninilay, at pagbabalik-tanaw sa mga alaala, pagmamahal, at aral na iniwan ng mga pumanaw.
Pinayuhan din ang mga mamamayan na isagawa ang paggunita nang may paggalang, disiplina, at pag-iingat, lalo na sa pagbisita sa mga sementeryo at pakikibahagi sa mga gawaing pampamilya.
Hangad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael na maging makabuluhan at mapayapa ang paggunita ng Undas, habang patuloy na pinahahalagahan ang mga alaalang mananatili sa puso ng bawat isa.






Comments