top of page

Maligayang Kaarawan, Kapatid na Eduardo V. Manalo!

6 days ago
1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael kay Kapatid na Eduardo V. Manalo, sa pangunguna nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Sa kanilang mensahe, hiniling ng mga opisyal ang patuloy na mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at gabay ng Poong Maykapal para kay Manalo sa pagtupad niya sa kanyang mga tungkulin.


Binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan ang pagpapahalaga sa mga adhikaing nagtataguyod ng pagkakaisa, pananampalataya, kapayapaan, at pagmamalasakit sa kapwa.


Kasabay nito, idinalangin ng mga opisyal ang patuloy na pagpapala at tagumpay sa kanyang buhay at mga adhikain.

Comments


bottom of page