Ulingao Sub-Parish Pastoral Council, Nag-courtesy Call sa Tanggapan ni Vice Mayor Edison Veneracion
- SB San Rafael

- Apr 13
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan, malugod na tinanggap ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion ang mga kinatawan mula sa Ulingao Sub-Parish Pastoral Council sa kanyang tanggapan.
Ang nasabing pagbisita ay nagsilbing pagkakataon upang magkaroon ng masiglang talakayan at kumustahan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga lider-simbahan mula sa Barangay Ulingao. Sa pagtitipon, tinalakay ang mga nakalinyang proyekto ng parokya na naglalayong maghatid ng espirituwal na paggabay at tulong sa mga mamamayan.
Nagpaabot ng pasasalamat si Vice Mayor Edison sa dedikasyon ng konseho sa kanilang mga gawaing pampamayanan. Tiniyak din ng Pangalawang Punong Bayan ang kanyang buong suporta sa mga inisyatiba ng simbahan, na katuwang ng pamahalaan sa paghubog ng isang maka-Diyos at disiplinadong komunidad.





Comments