top of page

Tatlong Lolo at Lola sa San Rafael, Tumanggap ng P50,000 Cash Assistance


Bilang pagkilala sa kanilang mahaba at makabuluhang buhay, matagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang nakalaang cash assistance para sa tatlo nating kababayang umabot sa edad na isang daan (100) taon.


Ngayong araw ng Miyerkules, ika-15 ng Abril, 2026, personal na binisita ng mga kawani ng munisipyo ang mga tahanan ng ating mga "Centenarians" upang iabot ang parangal na nagkakahalagang P50,000 bawat isa. Ang mga mapapalad na tumanggap ay sina:

  • Lolo Alejandro G. De Guzman ng Barangay Maronquillo

  • Lolo Leonardo S. Moya ng Barangay San Roque

  • Lola Soledad G. Isidro ng Barangay Capihan



Ang programang ito ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan. Layunin nito na bigyang-halaga ang naging kontribusyon ng ating mga nakatatanda sa kasaysayan at pag-unlad ng ating komunidad.



Ayon sa pamunuan, ang tulong-pinansyal ay maliit na bahagi lamang ng pasasalamat ng bayan sa karanasang ibinahagi ng mga lolo at lola sa susunod na henerasyon. Kasabay ng pamamahagi, nag-alay din ng panalangin ang mga kawani para sa patuloy na kalakasan at mabuting kalusugan ng mga pinarangalan.


Nananatili ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga polisiyang kumakalinga sa sektor ng mga Senior Citizens, bilang bahagi ng adhikain ng Serbisyong Tapat para sa lahat ng edad.

Comments


bottom of page