Suplay ng Tubig sa San Rafael, Tinalakay sa Pagpupulong ng LGU, Water District, at mga Kapitan
- SB San Rafael

- Jun 22
- 1 min read

Upang matugunan ang mga pangangailangan at paunlarin ang serbisyo-publiko, naglunsad ng isang mahalagang pagpupulong ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan kasama ang pamunuan ng San Rafael Water District (SRWD) at ang mga Punong Barangay.
Sentro ng nasabing diskusyon ang mga susing usapin hinggil sa kasalukuyang estado ng suplay ng tubig sa bayan, kabilang ang mga nararanasang hamon sa serbisyo at ang mga posibleng solusyon dito.

Nagkasundo ang tatlong panig na maglatag ng mga konkretong hakbang upang mas mapabuti at mapalawak pa ang distribusyon ng ligtas at malinis na tubig sa bawat tahanan ng mga San Rafaeleño.
Sa kabuuan ng programa, naging bukas ang mga Barangay Kapitan sa pagpapahayag ng mga saloobin, reklamo, at mungkahi ng kanilang mga nasasakupang residente. Ito ay upang direktang marinig ng pamunuan ng Water District ang mga totoong sitwasyon sa bawat komunidad at agad na magawan ng karampatang aksyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang ugnayang ito ay bahagi ng pangkalahatang layunin ng administrasyon na makapaghatid ng maayos, sapat, tuloy-tuloy, at de-kalidad na serbisyong pampubliko para sa kabutihan ng lahat ng mamamayan ng San Rafael.





Comments