Samahan ng Magsasaka at Maggugulay ng Maronquillo, Binisita si Kuya Edison
- SB San Rafael

- Apr 13
- 1 min read

Upang bigyang-pugay ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagtitiyak ng seguridad sa pagkain, malugod na tinanggap ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion ang mga kasapi ng Samahan ng Magsasaka at Maggugulay ng Maronquillo Inc. sa kanyang tanggapan.
Ang nasabing pagbisita ay nagsilbing pagkakataon upang marinig ang mga pangangailangan at mungkahi ng ating mga lokal na prodyuser mula sa Barangay Maronquillo. Ayon kay Vice Mayor Edison, malapit sa kanyang puso ang sektor ng agrikultura dahil sila ang nagsisilbing pundasyon ng bawat hapag-kainang San Rafaeleño.
Sa naturang pagtitipon, nagpaabot din ng suporta ang Pangalawang Punong Bayan na inaasahang makatutulong sa mga operasyon at proyekto ng samahan. Hangad ni Kuya Edison na ang tulong na ito ay magsilbing inspirasyon at ambag sa higit pang tagumpay ng kanilang organisasyon.





Comments