top of page

Salute to Success: Pamahalaang Bayan, Kinikilala ang mga Bagong San Rafaeleño Board Passers


Isang mainit na pagpupugay ang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa mga kababayang nagtagumpay sa mga katatapos lamang na licensure examinations sa iba't ibang larangan.


Sa pangunguna nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, nais ng lokal na pamahalaan na kilalanin ang dedikasyon at pagsisikap ng mga bagong Professional Teachers (LET), Registered Nurses (NLE), Civil Engineers (CE), at iba pang mga bagong lisensyadong propesyonal na nagmula sa ating bayan.


Upang pormal na maitala at mabigyang-pagkilala ang inyong tagumpay, inaanyayahan ang lahat ng mga passers na isumite ang kanilang mga detalye sa pamamagitan ng opisyal na Google Form ng munisipyo: [https://docs.google.com/.../1FAIpQLSdSqUKbkKV.../viewform...]


Mangyaring ihanda ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Buong Pangalan at Address

  • Paaralan kung saan nagtapos

  • Kopya ng inyong larawan (Professional/Graduation Photo)

  • Contact Number


Comments


bottom of page