Pamahalaang Bayan, Nagpaabot ng Pagbati sa mga Bagong Kasal
- SB San Rafael

- May 5
- 1 min read

Sa ilalim ng pagbabasbas ng lokal na pamahalaan, tatlong pares ng magkasintahan ang pormal na pinagbuklod sa banal na sakramento ng kasal na pinangunahan ng ating Punong Bayan, Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.
Ang mga bagong ikinasal na nag-isang dibdib ay sina:
Mr. & Mrs. Erwin at Aiza Mae Delos Reyes
Mr. & Mrs. Can at Jestryl Dianne Hernandez
Mr. & Mrs. Agustin Carlos at Rachel Ann Estrella
Sa gitna ng seremonya, nagpaabot ng kanyang payo at mainit na pagbati ang Punong Bayan para sa mga mag-asawa. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan, respeto, at matatag na pundasyon ng pagmamahalan sa pagbuo ng isang masayang pamilya.
Muli, ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay naghahangad ng isang matagumpay, matatag, at mabiyayang pagsasama para sa mga bagong kasal habang tinatahak nila ang kanilang bagong yugto sa buhay.





Comments