Pamahalaang Bayan, Muling Nagpamahagi ng Bigas sa mga Vulnerable Sectors
- SB San Rafael

- May 18
- 1 min read

Upang patuloy na maibsan ang epekto ng kinakaharap na krisis at makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng mga mamamayan, muling nagsagawa ng malawakang pamamahagi ng bigas ang Lokal na Pamahalaan ng San Rafael.
Ang naturang programa ay nakatutok sa mga sektor na higit na nangangailangan sa komunidad, kabilang ang mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, mga barangay tanod, at mga low-income earners.
Personal na pinangunahan nina Punong Bayan Igg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion ang pamamahagi ng ayuda. Nakiisa rin sa mahalagang aktibidad na ito ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente.

Naging matagumpay ang distribusyon sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Ma. Victoria G. Ramos, katuwang ang mga masisipag na kawani ng munisipyo at mga lokal na day care teachers na nagboluntaryo upang masiguro ang maayos at mabilis na proseso.
Ayon sa pamunuan, ang regular na paghahatid ng tulong-pangkabuhayan na ito ay patunay ng walang humpay na malasakit at dedikasyon ng kasalukuyang administrasyon na protektahan at itaguyod ang kapakanan ng bawat pamilyang San Rafaeleño, lalo na sa panahon ng kagipitan.





Comments