top of page

Pagbisita ng CIDG Malolos, Nagpalakas ng Ugnayan sa Pamahalaang Bayan


Upang mas mapalakas ang kapayapaan at kaayusan sa bayan, personal na binisita ni Police Major Domingo A. Resma Jr. ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Malolos ang Punong Bayan ng San Rafael na si Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. nitong nakaraang araw.


Ang naturang courtesy call ay naglalayong pagtibayin ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng pambansang pulisya. Tinalakay sa maikling pagpupulong ang iba't ibang hakbang upang mapanatili ang seguridad, labanan ang kriminalidad, at masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.



Ayon kay Mayor Violago, lubos niyang pinahahalagahan ang ganitong inisyatibo na nagpapakita ng magandang kooperasyon ng mga ahensya ng gobyerno. Tiniyak ng alkalde ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa ng kapulisan na naglalayong panatilihing tahimik at maayos ang bayan ng San Rafael.


Ang pagtutulungang ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaang lokal na maghatid ng isang ligtas na pamayanan kung saan ang kapakanan at proteksyon ng mga San Rafaeleño ang pangunahing prayoridad.

Comments


bottom of page