Mga Atletang Taekwondo, Nagpakitang-gilas sa CLRAA at Provincial Meet
- SB San Rafael

- Apr 23
- 1 min read

Nagbigay ng karangalan sa bayan ang dalawang kabataang atletang San Rafaeleño matapos magwagi ng kani-kanilang mga medalya sa prestihiyosong mga paligsahan sa larangan ng Taekwondo.
Binigyang-pugay ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sina King Mitzskye P. Cruz at Dian Mitzel Starr P. Cruz dahil sa kanilang dedikasyon, sipag, at kahusayan sa sports.
Si King Mitzskye P. Cruz ay nagkamit ng Silver Medal para sa Taekwondo Freestyle Poomsae sa katatapos lamang na CLRAA Meet. Samantala, si Dian Mitzel Starr P. Cruz naman ay nag-uwi rin ng Silver Medal sa Taekwondo Individual Poomsae sa Bulacan Provincial Athletic Meet.
Ang kanilang mga tagumpay ay patunay ng tiyaga at disiplina na kinakailangan upang maging mahusay sa anumang larangan. Hindi lamang ito pagpapakita ng kanilang athletic prowess, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa kapwa kabataang San Rafaeleño na patuloy na magsikap at mangarap para sa kanilang sarili at para sa bayan.





Comments