top of page

Mayor Cipriano Violago Jr., Nagpasalamat sa Suporta at Suhestiyon ng mga Mamamayan


Muling pinagtibay ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang kaniyang komitment sa isang inklusibo at bukas na pamamahala sa pamamagitan ng patuloy na pagtanggap at pakikinig sa boses ng bawat mamamayang San Rafaeleño.


Ayon sa alkalde, nananatiling epektibong daan ang Tanggapan ng Punong Bayan upang direktang mapakinggan ang iba't ibang sektor ng lipunan—mula sa mga kababayang nangangailangan ng agarang tulong at naglalapit ng mga makabuluhang mungkahi, hanggang sa mga grupo o indibidwal na may mga programang nais ibahagi para sa kapakanan ng komunidad.



Nagpaabot naman ng kaniyang taos-pusong pasasalamat si Mayor Violago sa tiwala at patuloy na pakikiisa na ipinapakita ng mga mamamayan sa kaniyang administrasyon.


Binigyang-diin ng punong bayan na ang bawat pagbisita ng mga residente sa munisipyo, pati na ang mga ibinabahaging ideya at suhestiyon, ay nagsisilbing mahalagang pundasyon sa kanilang sama-samang layunin na makapaghatid ng mas maayos, mabilis, at makabuluhang serbisyo publiko para sa lahat.



Comments


bottom of page