top of page

Maligayang kaarawan, Monsignor Flint!


Nagpaabot ng mainit at taos-pusong pagbati ang Punong Bayan ng San Rafael na si Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. sa pagdiriwang ng kaarawan ni Monsignor Flint.


Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Violago sa walang-sawang espirituwal na paggabay ni Monsignor Flint sa mga mananampalataya at sa komunidad. Dalangin ng alkalde na nawa'y patuloy na pagkalooban ito ng Panginoong Maykapal ng mahabang buhay, magandang kalusugan, at mas marami pang biyaya upang higit pang mapalakas ang pananampalataya ng mga mamamayan.


Kinikilala rin ng lokal na pamahalaan ang mahalagang papel ng simbahan katuwang ang pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at paghubog ng mabuting asal sa bayan.

Comments


bottom of page