top of page

Mainit na Pagbati para sa mga Municipal Employees na May Kaarawan ngayong Buwan


Nagpaabot ng mainit at taos-pusong pagbati ang lokal na pamahalaan ng San Rafael para sa lahat ng mga kawani ng pamahalaang bayan na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Mayo.


Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang buong hanay ng Sangguniang Bayan.


Kinilala ng pamunuan ang dedikasyon at walang sawang paglilingkod ng mga kawani ng lokal na pamahalaan. Ayon sa mga opisyal, ang pagsisikap ng bawat empleyado ay napakahalagang haligi upang maabot ng bayan ang patuloy na pag-unlad at makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo publiko sa mga mamamayan.


Dalangin ng buong pamahalaang bayan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang biyaya para sa mga birthday celebrator. Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang kanilang espesyal na araw kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Comments


bottom of page