top of page

Ma'am Cherry Hernandez, Nagwagi sa National Storybook Writing Competition


Isang malaking karangalan ang muling iniuwi ng isang gurong San Rafaeleño matapos kilalanin ang kanyang husay sa pambansang antas. Taos-pusong binabati ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael si Ma'am Cherry C. Hernandez, isang dedikadong guro mula sa Maguinao Elementary School, sa kanyang pambihirang tagumpay sa larangan ng panitikan.


Si Ma'am Hernandez ay nagwagi ng Unang Gantimpala para sa kanyang akdang pinamagatang “Ang Nawawalang Boses ni Lola Berta” sa ginanap na 2025 Gawad Teodora Alonso National Storybook Writing Competition. Ang prestihiyosong patimpalak ay idinaos sa Tagbilaran City, Bohol, kung saan naging pambato siya sa ilalim ng Category 5: Stories of Untold Legends and Folklore.


Ang tagumpay na ito ay patunay ng malalim na pagpapahalaga ni Ma'am Cherry sa ating mga lokal na kuwento at alamat, gayundin ang kanyang galing sa paghabi ng mga salita na magsisilbing aral at inspirasyon sa mga kabataang mambabasa. Ang kanyang pagkapanalo ay hindi lamang tagumpay ng kanyang paaralan, kundi karangalan ng buong bayan ng San Rafael at ng lalawigan ng Bulacan.



Comments


bottom of page