top of page

Lokal na Pamahalaan, Nagbigay-Aksyon sa Krisis sa Langis


Bilang bahagi ng mabilis at konkretong aksyon ng lokal na pamahalaan sa kinakaharap na krisis sa langis sa bansa, inilunsad ng bayan ng San Rafael ang isang inisyatibo upang matulungan ang mga kawani ng munisipyo sa kanilang transportasyon.


Sa ilalim ng direktiba ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., katuwang si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion at ang buong Sangguniang Bayan, pansamantalang ipinagagamit ang ilang mga sasakyan ng lokal na pamahalaan bilang libreng hatid-sundo. Layunin nito na matiyak na ang ating mga kawani ay ligtas na makararating sa opisina at makauuwi sa kani-kanilang mga tahanan sa kabila ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.


Ang hakbang na ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga empleyado, kundi upang masiguro rin na hindi maaantala ang serbisyo-publiko para sa mga mamamayang San Rafaeleño. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng transportasyon, nananatiling produktibo ang bawat tanggapan at handang tumugon sa pangangailangan ng publiko.



Comments


bottom of page