Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa San Rafael, Pinangunahan ng GSO

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lingguhang pagtataas ng watawat ngayong Lunes, Setyembre 21, bilang pagpapakita ng paggalang sa watawat ng Pilipinas at pagmamahal sa bayan.
Pinangunahan ng General Services Office (GSO) sa pamumuno ni Edwin Dulay ang palatuntunan na bahagi ng regular na seremonya ng pamahalaang bayan.
Hinikayat naman ang mga kawani at mamamayan na patuloy na isabuhay ang pagkakaisa, disiplina at malasakit para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng San Rafael.






Comments