top of page

Department Heads at Section Chiefs, Nagpulong para sa mga Programa ng San Rafael LGU

2 days ago
1 min read

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga department head at section chief ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ngayong araw, na dinaluhan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr.


Tinalakay sa pagpupulong ang mga nalalapit na aktibidad, programa at mahahalagang gawain ng lokal na pamahalaan, gayundin ang mga kinakailangang koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga ito.


Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga tanggapan para sa mas organisado at episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko sa mga residente ng San Rafael.



Comments


bottom of page