Jairus Ventoso ng St. Paul College, Nag-uwi ng Gold sa National Schools Press Conference
- SB San Rafael

- Apr 20
- 1 min read

Muling nagningning ang galing ng mga kabataang San Rafaeleño sa pambansang entablado matapos iuwi ni Jairus Jess P. Ventoso ng St. Paul College of San Rafael ang Gintong Medalya sa kategoryang Pagsulat ng Kolum (Filipino) sa katatapos lamang na National Schools Press Conference (NSPC) 2026.
Ang prestihiyosong kompetisyon ay ginanap sa Ormoc City, Leyte noong ika-13 hanggang 17 ng Abril, 2026. Si Jairus ay nagsilbing kinatawan ng Region III (Central Luzon) matapos ang kanyang matagumpay na paglalakbay sa mga nakaraang lebel ng paligsahan.
Hindi matatawaran ang husay at talino na ipinamalas ni Jairus sa kanyang pagsulat, na nagbigay sa kanya ng pinakamataas na parangal sa nasabing kategorya. Kaakibat ng tagumpay na ito ay ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan kay Mr. Christian Reyes, ang kanyang mahusay na tagapagsanay, na siyang gumabay at humubog sa kanyang kakayahan upang maabot ang tagumpay na ito.





Comments