Happy Birthday Kap. Ogie!
- SB San Rafael

- May 4
- 1 min read

Nagpaabot ng mainit at mapagpalang pagbati ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagsapit ng kaarawan ng Liga ng mga Barangay (LNB) President at Punong Barangay, Kgg. Reynaldo V. Pile, Jr., na mas kilala ng marami bilang si Kap. Ogie.
Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong hanay ng Sangguniang Bayan ang dalangin na patuloy na mabuting kalusugan, lakas ng pangangatawan, at ang mga biyaya mula sa Panginoong Maykapal upang patuloy pa niyang magabayan ang mga barangay sa bayan.
Sa pagdiriwang na ito, kinikilala ng pamunuan ang mahalagang kontribusyon ni Kap. Ogie sa pamumuno sa mga kapitan ng iba't ibang barangay sa bayan. Ang kanyang dedikasyon at pagsusulong ng mga programa sa antas ng barangay ay patunay ng malaking tulong sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng buong komunidad ng San Rafael.





Comments