Happy Birthday, June Celebrants!
- SB San Rafael

- Jun 1
- 1 min read

Isang masaya at mapagpalang pagbati ang ipinaabot ng mga pinuno ng bayan para sa lahat ng mga kawani ng pamahalaang lokal (Municipal Employees) na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Hunyo.
Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.
Layunin ng pagbating ito na bigyang-halaga ang dedikasyon at tapat na serbisyo ng mga empleyado ng munisipyo na siyang katuwang ng mga opisyal sa araw-araw na pagpapatakbo ng mga programa, proyekto, at serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng San Rafael.
Hangad ng buong pamunuan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang mga biyaya para sa bawat June celebrant upang magpatuloy ang kanilang sigla sa paglilingkod sa bayan.





Comments