Galing San Rafaeleño, Namayagpag sa National Stage: Unang Pwesto sa 2026 NFOT, Nasungkit!
- SB San Rafael

- Apr 23
- 1 min read

Muling napatunayan ang pambihirang galing ng kabataang San Rafaeleño matapos hirangin bilang kampeon ang ating mga kinatawan sa ginanap na 2026 National Festival of Talents (NFOT) sa Roxas City, Capiz.
Taos-pusong binabati ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sina Ziah Lorinne V. Maneja at John Rafael G. Maniaul mula sa San Rafael National Trade School (SRNTS), kasama si Khurt Daeniel E. Cruz (SNED Learner) mula sa Carlos F. Gonzales High School (CFGHS), sa kanilang pagkapanalo ng Unang Pwesto sa Bake Cares Category.
Ang tagumpay na ito ay isang malinaw na patunay ng kanilang talento, sipag, at dedikasyon sa larangan ng culinary arts. Hindi lamang nito itinatampok ang kanilang kakayahan sa pagluluto at pagbe-bake, kundi pati na rin ang kanilang husay sa pakikipagtulungan at pagpapakita ng malasakit sa sining ng pagkain.
Kasabay nito, binibigyang-pugay din ang kanilang mga naging katuwang at tagapagsanay na sina Ma’am Yna Jessica M. Patani (SRNTS) at Ma’am Josephine D. Calumba (CFGHS). Ang kanilang walang sawang paggabay at suporta ang nagsilbing pundasyon upang marating ng ating mga kabataan ang rurok ng tagumpay sa pambansang antas.





Comments