Galing at Talino ng San Rafaeleño: Pagpupugay sa mga Board Passers ng Bayan
- SB San Rafael

- 3 days ago
- 1 min read

Isang malaking karangalan ang muling tinatamasa ng ating bayan dahil sa tagumpay ng ating mga kababayan sa katatapos lamang na mga Licensure Examinations sa iba’t ibang larangan.

Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, kasama ang buong Sangguniang Bayan, opisyal na kinikilala ng munisipyo ang kahanga-hangang talino at dedikasyon ng mga bagong lisensyadong propesyonal.

Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan kundi isang mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng ating komunidad. Inaasahan na ang kanilang mga natutunang kasanayan ay magagamit sa paglilingkod nang buong puso at husay para sa ating mga mamamayan.





Comments