Drug-Free Workplace Initiative, Pinalakas sa Paglagda ng MOA ng Pamahalaang Bayan at J&P San Rafael Commlab Inc.
- SB San Rafael

- Jul 2
- 1 min read

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga manggagawa at mapanatili ang isang malusog na kapaligiran sa pagtatrabaho, opisyal na pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael at ng J&P San Rafael Commlab Inc.
Ang makasaysayang kasunduan ay isinagawa bilang bahagi ng mas pinalakas na adyenda ng lokal na pamahalaan na Drug-Free Workplace Initiative.

Sa pamamagitan ng MOA na ito, pormal na nagkaisa ang puwersa ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor upang magtulungan sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng isang ligtas, malusog, at produktibong lugar ng trabaho na malaya sa impluwensya ng ilegal na droga.
Kabilang sa mga pangunahing tututukan sa ilalim ng kasunduan ang pagpapalakas ng mga hakbang sa drug prevention, paglulunsad ng mga information and education campaigns, masusing pagsunod sa mga umiiral na batas at polisiya, at iba pang mga inisyatibang nakatutok sa kaligtasan at kapakanan ng mga kawani.
Ayon sa Tanggapan ng Punong Bayan, ang hakbang na ito ay isang malaking rurok sa pagsusulong ng isang responsable at ligtas na komunidad sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagbabantay laban sa ipinagbabawal na gamot sa pampubliko at pribadong sektor.





Comments