top of page

Best Wishes sa mga Bagong Kasal ng San Rafael!


Puno ng kagalakan ang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ngayong araw matapos pangunahan ng ating Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng dalawang magkasintahan.


Sa isang simple ngunit makabuluhang seremonya, opisyal na pinag-isa ng ating Mayor ang mga sumusunod na couple:

  • Mr. & Mrs. Jerson & Lady Kristel Bernardo

  • Mr. & Mrs. Frencis & Jessa May Delos Santos



Ang pagpapakasal ay isa sa mga mahalagang serbisyong sibil na ginagampanan ng ating Punong Bayan. Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Goto ang kanyang taos-pusong pagbati sa mga bagong kasal. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagmamahalan, pagtitiwala, at pag-unawa sa pagbuo ng isang matatag at mabiyayang pamilya.


Hangad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang matagumpay, maligaya, at habambuhay na pagsasama para sa mga bagong kasal. Ang kanilang pagbuo ng pamilya ay isa ring patunay ng pag-asa at pagmamahalan na patuloy na namamayani sa ating bayan.

Comments


bottom of page