top of page

Bagong Barangay Hall ng Diliman II, Pormal nang Binuksan at Binasbasan

Isang malaking hakbang patungo sa mas maayos at de-kalidad na serbisyo publiko ang nasaksihan sa Barangay Diliman II matapos pormal na isagawa ang Blessing at Ribbon Cutting Ceremony ng kanilang bagong Barangay Hall.


Ang makasaysayang pagpapasinaya ay personal na dinaluhan ng mga pinuno ng bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng mga iginagalang na Kagawad ng Sangguniang Bayan.


Saksi ang mga opisyal ng munisipyo sa tagumpay na ito ng Pamahalaang Barangay ng Diliman II na nasa ilalim naman ng masigasig na pamumuno ni Punong Barangay Kgg. Celso Illiscupidez, Jr. kasama ang kanyang mga kagawad.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang bagong gusali ay hindi lamang isang istraktura, kundi isang simbolo ng pagkakaisa, pag-asa, at serbisyong tunay na nagmamalasakit para sa mga residente. Inaasahan na sa pamamagitan ng bagong pasilidad na ito, mas magiging mabilis, komportable, at inklusibo ang paghahatid ng mga programa at tulong sa mamamayan.


Ang proyektong ito ay patunay ng magandang ugnayan at pagtutulungan ng pamahalaang lokal at pamahalaang barangay upang maitaguyod ang isang mas maunlad, ligtas, at nagkakaisang komunidad sa San Rafael.


Comments


bottom of page