Ugnayan sa Brgy. Caingin: Peace and Order, Tinalakay ng PNP San Rafael at Barangay Officials
- SB San Rafael

- Jul 16
- 1 min read

Sa layuning patuloy na paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng kepulisan at ng mga lokal na pamayanan, nagsagawa ng Barangay Visitation and Dialogue ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station sa Barangay Caingin ngayong Hulyo 16, 2026.
Nagsimula ang naturang pulong at diyalogo dakong 2:38 ng hapon sa pangunguna ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police, kasama ang mga opisyales ng Barangay Caingin.
Sa nasabing pagtitipon, masusing tinalakay ang mahahalagang usapin na may kinalaman sa kapayapaan at kaayusan (peace and order), pampublikong kaligtasan (public safety), pag-iwas sa krimen (crime prevention), at iba pang usaping pangkomunidad. Nagbigay rin ito ng pagkakataon upang direktang mapakinggan ng mga awtoridad ang mga pangangailangan ng barangay at mapalakas ang kanilang koordinasyon.
Ayon sa pamunuan ng San Rafael MPS, nananatiling buo ang komitment ng Philippine National Police sa pagpapatatag ng tiwala at bukas na komunikasyon sa komunidad upang sama-samang mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran.




Comments