PNP San Rafael, Nagsagawa ng Mobile Patrolling sa Viola Highway
- SB San Rafael

- Jul 16
- 1 min read
Upang patuloy na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan at biyahero, nagsagawa ng Mobile Patrolling ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station nitong Hulyo 15, 2026.
Nagsimula ang naturang pagpapatrolya dakong 6:23 ng umaga sa kahabaan ng Viola Highway, San Rafael, Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Ang regular na pagpapatrolyang ito ay naglalayong maiwasan ang anumang insidente ng krimen at matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga commuters at motorists na dumadaan sa mga pangunahing kalsada ng bayan.
Ang patuloy na inisyatiba ng lokal na kepulisan sa pagpapanatili ng seguridad ay buong pusong pinaiiral katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pamumuno nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion upang tiyakin ang isang ligtas at tahimik na komunidad para sa lahat.




Comments