top of page

PNP San Rafael, Nag-Mobile Patrol sa kahabaan ng Viola Highway

Upang mapanatili ang kaayusan sa kalsada at maiwasan ang anumang insidente ng krimen sa mga pangunahing daanan, nagsagawa ng Mobile Patrolling ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Viola Highway ngayong Hulyo 16, 2026.


Ang naturang pagpapatrolya, na nagsimula humigit-kumulang 8:48 ng umaga, ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Sa pamamagitan ng pag-ikot ng mga mobile patrol units, layunin ng kapulisan na tiyakin ang kaligtasan ng mga motoristang dumadaan sa pambansang lansangan, gayundin ang pagpapanatili ng kapayapaan sa mga karatig-barangay at negosyo sa kahabaan ng highway.




Recent Posts

See All

Comments


bottom of page