top of page

Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Nag-Ulat ng mga Nagawa at Serbisyong Naihatid Ngayong Hulyo

Ibinahagi ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang buod ng mga naging kaganapan, proyekto, at pampublikong serbisyong matagumpay na naihatid sa mamamayan sa unang kalahati ng buwan ng Hulyo.


Kabilang sa mga naisagawang programa ay ang mga inisyatibo sa kalusugan, seguridad at kaayusan sa komunidad, imprastraktura, at mga gawaing pangkabuhayan na naglalayong tumugon sa direktang pangangailangan ng bawat pamilyang San Rafaeleño.


Nagpaabot ng kaniyang taos-pusong pasasalamat si Mayor Goto Violago sa patuloy na suporta at pakikiisa ng mga mamamayan sa lahat ng programa at gawain ng pamahalaang lokal.


Ayon sa Punong Bayan, sa pamamagitan ng masayang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan—katuwang si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion at ang buong Sangguniang Bayan—patuloy na isusulong ang mas maayos, ligtas, at maunlad na Bayan ng San Rafael.


Recent Posts

See All

Comments


bottom of page