top of page

Paalala sa Publiko sa SONA 2026: Respeto sa Batas at Kapayapaan sa mga Pampublikong Pagtitipon, Hinihikayat


Kaugnay ng nalalapit na State of the Nation Address (SONA) 2026, nagpalabas ng pampublikong paalala ang San Rafael Municipal Police Station (MPS) at ang pambansang pulisya sa lahat ng mamamayan na panatilihin ang kaayusan at sumunod sa batas sa pagdaraos ng mga pampublikong pagtitipon at kilos-protesta.


Binigyang-diin ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, na bagamat itinaguyod at iginagalang ng Saligang Batas ang karapatan ng bawat mamamayan sa malayang pagpapahayag at pagtitipon, mahalagang isagawa ito nang may pananagutan, kapayapaan, at ayon sa probisyon ng batas.


Hinihikayat ang mga grupo at indibidwal na magsasagawa ng mga pampublikong asembleya na makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad, sumunod sa mga itinakdang alituntunin, at iwasan ang anumang aksyon na makahahadlang sa daloy ng trapiko o makagugulo sa katahimikan ng publiko.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page