Kabataang San Rafaeleño, Sumailalim sa Oryentasyon at Halalan para sa Boy/Girl Officials 2026
- SB San Rafael

- Jul 21
- 1 min read

Upang hubugin ang kakayahan ng mga kabataan sa pamumuno at serbisyo publiko, matagumpay na isinagawa ang oryentasyon at pormal na halalan para sa Boy/Girl Officials 2026 noong Hulyo 20, 2026.
Dinaluhan ang naturang gawain ng mga piling mag-aaral mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong sekondaryang paaralan sa buong bayan ng San Rafael.
Ang matagumpay na aktibidad ay pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni G. Erl Veneracion, katuwang sina San Rafael Election Officer Gina Viudez, San Rafael East District Supervisor Marissa Ortega, San Rafael West District Supervisor Ma. Nina Avendaño, Public Information Officer Ma. Gilda S. Valderama, at iba pang mga kawani ng pamahalaang lokal.

Sa pamamagitan ng programang ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga napiling kabataang opisyal na makaranas at matuto sa aktwal na pamamalakad ng lokal na pamahalaan sa loob ng isang linggo.
Ang inisyatibong ito ay buong pusong pinangangalagaan at sinusportahan ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion upang gabayan ang susunod na henerasyon ng mga pinuno sa bayan ng San Rafael.




Comments