Happy Birthday, Konsi Vic!
- SB San Rafael

- Jul 19
- 1 min read

Nagpaabot ng mainit at taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng masipag na Sangguniang Bayan Member, Kgg. Vicente "Konsi Vic" N. Paulino.
Ang pormal na pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang buong Sangguniang Bayan at mga kawani ng pamahalaang lokal.
Bukod sa pasasalamat sa kaniyang dedikasyon sa pagbabalangkas ng mga makabuluhang ordinansa at patuloy na paglilingkod sa mga barangay, ipinagdasal din ng pamunuan ang kaniyang patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang mga biyaya mula sa Poong Maykapal.
Si Konsi Vic Paulino ay patuloy na naging katuwang ng ehekutibo at lehislatibo sa pagtataguyod ng mga programang naglalayong maghatid ng mas maunlad at maayos na pamayanan para sa bawat pamilyang San Rafaeleño.




Comments