Happy Birthday, Dra. Marina Viente!
- SB San Rafael

- Jul 18
- 1 min read

Nagpaabot ng mainit at taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng masipag at dedikadong Municipal Administrator na si Dra. Marina R. Viente, na mas kilala ng marami bilang "Admin Aring."
Ang pormal na pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong kasapi ng Sangguniang Bayan at mga kawani ng pamahalaang lokal.
Bukod sa pasasalamat sa kaniyang walang sawang paglilingkod at mahusay na pamamahala sa mga tanggapan ng munisipyo, ipinagdasal din ng pamunuan ang kaniyang patuloy na mabuting kalusugan, haba ng buhay, at karagdagang mga biyaya mula sa Panginoong Maykapal upang patuloy na makapaglingkod sa bayan.
Si Dra. Viente ay isa sa mga pangunahing katuwang ng ehekutibo at lehislatibo sa pagpapatakbo ng mga programa at proyektong naglalayong iangat ang antas ng serbisyo publiko para sa lahat ng pamilyang San Rafaeleño.




Comments