Galing ng San Rafaeleño, Binigyang-Pugay sa Lingguhang Flag Ceremony
- SB San Rafael

- Jul 20
- 1 min read

Isang mabiyaya at puno ng inspirasyon na Lunes ang sumalubong sa mga kawani at mamamayan ng San Rafael kasabay ng isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Hulyo 20, 2026.
Tampok sa naturang palatuntunan ang paggawad ng karangalan at pagkilala sa talino at galing ng mga natatanging San Rafaeleño na nagwagi at nag-uwi ng tagumpay sa kani-kanilang larangan.
Ang lingguhang seremonya ay matagumpay na pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Population Commission (POPCOM) sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Zenaida Q. Villanueva.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion upang pagtibayin ang pagpapakita ng paggalang sa pambansang watawat, pagmamahal sa bayan, at pagsuporta sa husay ng mga lokal na talento.
Binigyang-diin ng pamunuan na ang patuloy na pagkilala sa tagumpay ng mamamayan ay nagsisilbing paalala na sa pamamagitan ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit, patuloy na lalago at lalakas ang Bayan ng San Rafael.




Comments