top of page

Galing ng Kabataang San Rafaeleño, Kinilala sa Lingguhang Flag Raising Ceremony

Jun 1
1 min read

Sinalubong ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang simula ng buwan sa pamamagitan ng isang mabiyaya at makabuluhang pagtitipon matapos idaos ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, Hunyo 1, 2026.


Ang regular na aktibidad ay isinagawa sa compound ng munisipyo upang muling magbigay-galang at magpakita ng walang katulad na pagmamahal sa Inang Bayan. Ang palatuntunan para sa linggong ito ay pinangunahan at pinangasiwaan ng Tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa ilalim ng pamumuno ni OIC Ma'am Regine Mendoza.



Naging tampok sa nasabing programa ang paggawad ng mga plake ng pagkilala para sa mga kabataang San Rafaeleño na nag-uwi ng karangalan sa bayan matapos magwagi sa iba't ibang prestihiyosong paligsahan.


Ang pagbibigay-parangal na ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng mga opisyal ng bayan upang iangat ang moral ng mga kabataan at hikayatin silang patuloy na pagbutihin ang kanilang mga talento at kakayahan sa iba't ibang larangan.

Comments


bottom of page