top of page

Bukas na Komunikasyon, Isinusulong ni Mayor Goto sa Pamahalaang Bayan


Upang mas mapagtibay ang isang pamahalaang tapat, mahusay, at may pusong naglilingkod, muling nanindigan si Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. na mananatiling bukas ang kaniyang tanggapan para sa lahat ng mamamayan ng San Rafael.


Ayon kay Mayor Violago, ang kaniyang opisina ay patuloy na magsisilbing bukas na daan upang mapakinggan ang tinig ng bawat San Rafaeleño—mula sa mga humihingi ng tulong, nagbabahagi ng mga mungkahi, hanggang sa mga naglalapit ng mga programa at adhikaing makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng bayan.



Binigyang-diin ng alkalde na ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng opinyon at suhestiyon ay nagsisilbing pangunahing inspirasyon at gabay ng lokal na pamahalaan upang lalo pang mapabuti at maitama ang mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng publiko.


Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Violago sa patuloy na pagtitiwala, suporta, at pakikiisa ng mga mamamayan sa mga adhikain ng pamahalaang lokal.


Inaasahan na sa pamamagitan ng pagkakaisa, bukas na komunikasyon, at sama-samang pagkilos ng mga opisyal at ng mamamayan, mas mapapabilis at mapapaganda ang paghahatid ng makabuluhang serbisyo-publiko sa buong bayan ng San Rafael.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page